Ika-87 Kaarawan ni Gat Blas, Pinagdiwang ng Bulakenyo
Ngayong ika tatlo ng Pebrero ginunita ang ika-87 kaarawan ng bayaning si Gat Blas Fajardo Ople na tubong Hagonoy, Bulacan. Ipinagdiwang ito sa Sining ng Kabataan, Sining at Kultura ng Bulacan, Capitol Complex, Lungsod ng Malolos, Bulacan, ika walo ng umaga. Kabilang sa mga dumalo ang mga estudyante at guro, miyembro ng Veterance of Bulacan, Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Bise Gob. Daniel Fernando, at ang anak ni Blas Ople na si G. Felix Ople.
Ayon kay Bise Gob. Fernando si ka Ople ay isang huwarang Pulitiko, isa sa batas na naipasa ni Ka Ople ang Labor Code of the Philippines na higit na nakatulong sa manggagawang Pilipino. Hindi matatawaran ang tapat na serbisyong ibinigay ni Ka Ople sa sambayanan.
Si Blas Ople ay naging Presidente ng Senado noong taong 1999 hanggang 2000, nagging Sekretarya din siya ng Foreign Affairs mula noong 2002 hanggang siya ay mamatay.
Isang mabuting ama, ito ang larawan ni Ka Ople ayon sa kanyang anak na si Felix Ople. Layunin ni G. Felix na sundan ang mabuting yapak ng ama, dahil dito madaming programa ang kanyang kinasasapian isa na rito ang programang makakatulong sa mga kabataang makapag aral.
Madaming Pilipino ang hindi nakakakilala kay Blas Ople. Tinuring na non working holiday ang kanyang kaarawan ngunit hindi lubusang kilala lalo na ng mga kabataan ang mga nagawa at marapat lamang tawaging bayani si Ka Ople.
“hindi ko siya kilala talaga, basta alam ko pag birthday nya walang pasok.” ani Renan Buluran, estudyante ng BSU.
Isang katibayan na kahit siya ay tumuntong nan g kolehiyo hindi niya alam ang totoong dahilan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Ka Ople.
Hinihiling ni G. Felix na ang mga guro ay ituro ang mga mabubuting Gawain na nagawa ng kanyang ama lalong lalo na sa mga kabataan.
Ang paggunita sa kaarawan ni Gat Blas Ople ay isang pagtanaw muli sa mga kabutihang nagawa nito sa bayan, isa itong importanteng araw lalo na sa mangagagawang Pinoy, ngunit marami sakanila ang nakalimot na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng batas para sa mga mangagawang Pinoy.